Tanging Kailangan (Acoustic) – Victory Worship

Faith Score0
Faith Score0

Tanging Kailangan (Acoustic) – Victory Worship

Tanging Kailangan (Acoustic) by Victory Worship
Words and Music by Keiko Cubil, EJ de Perio, Charles Bautista

VERSE
Kaya ko bang ibigay ang lahat
Kung sa sarili’y hindi na sapat
Kay raming kulang, ‘di kayang punan

VERSE 2
Laging sinusubok ang pusong pagal
Ngunit umaapaw ‘Yong pagmamahal
Kay raming kulang ang ‘Yong pinunan

PRE-CHORUS
Ngayon pa ba magdududa?
Katapatan Mo ay subok na

CHORUS
Ramdam Ka sa ihip ng hangin
Tanaw Ka sa bilyong mga tala
Liwanag ng buwan at araw ay patunay na Ika’y dakila
Gaya ng ibon sa kalangitan
Bawat kailanga’y tutugunan

VERSE 3
Sabihin Mo lang ang Iyong salita
Handang makinig at sa ‘Yo ay magtiwala
O, aking ama sa ‘Yo lang aasa

PRE-CHORUS 2
Hilumin Mo ang pagdududa
Katapatan Mo ay sapat na

[CHORUS]
Gaya ng ibon sa kalangitan
Ikaw ang tanging kailangan

CODA FLOW
Panginoon Ikaw ang
Aming tanging kailangan
Walang hanggan at tunay
Ang Iyong katapatan

CLOSING VERSE
Aking Hesus, binigay Mo’ng lahat
Krus ng pag-ibig na higit sa sapat

#VictoryWorship #HolyWeek2023

Trip.com WW

Disclaimer: "The lyrics are the property and copyright of their original owners. The lyrics provided here are for personal and educational purposes only."

god medias
      Songs Fire
      Logo